The 7,107 islands of the Pearl of the Orient Seas boast of cultures, language, sounds, and sights that are as lively as its people
Angeles City, Bulaon, Santol
Mga paps! Dito ko ikwekwento ang aking experience at ibabahagi ang ilang food reviews sa mga pinuntahan naming restaurants sa Pampanga kasama ang Lemi. Taruh!
Si Aling Lucing ang original na nagpakilala ng authentic sisig dito sa Pampanga. Dati lang siyang nagbebenta ng inihaw na pisngi at tenga bago maging sikat ang kanyang mga luto. Binisita na ang kanyang restaurant ng madaming sikat na mga personalities, gaya nila Anthony Bourdain at Erwan Heussaff. Masarap yung sisig nila! Sisig in its purest form, gaya ng sinabi ko sa Episode 1. Mayroon siyang unique sour taste.
Glaciano Valdez St, Angeles, Pampanga, Philippines
Forty pesos lang ang kanilang small single plate na sisig. Hindi masyadong matapang ang flavor ng sisig nila. Very mild. Saktong sakto siya. Tama lang yung asim. It has a very nice taste. Masarap ito i-partner sa beer!
Jesus St, Angeles, Pampanga, Philippines
Specialty nila ang tokwa’t baboy, pero isa rin sa kanilang bestsellers ay ang sisig. Sikat na sikat rin ito sa Pampanga. Madami na ring famous personalities and celebrities ang kumain dito. Nag order kami ng tokwa’t baboy. Parang chicharon, pare! Yung kanilang sisig, medyo naiiba doon sa dalawa. May halong crisp. Swabe sa lalamunan.
St., Brgy. San Angelo, San Andres St, Angeles, Pampanga, Philippines
Madaming pwedeng pagpilian na Kampampangan specialties dito sa Everybody’s Cafe. Pero ang aming inorder ay yung mga pinakasikat: tapang kalabaw, morcon, at asadong dila. Very flavorful ang kanilang mga dishes. Classic dito!
Nepo Mart, Angeles, 2009 Pampanga, Philippines
Promo name
Special Offer
Promo desc
PHP 999